Hello former PNHS CAT-1 Officer!

We are so glad you have found us online. You have reached our Archives.
Kumusta ka at saan ka na ngayon? Let us know ha.

Feel free to say "Hi" and also share old CAT-1 photos on the official Facebook Page.
To sueno: Gnun Tlga

Dear sueno,
i wud juz lyk 2 say my personal opinion bout “no good can come out from any form of war”. My perception of governance is deeper due to my stay in college and I have learned that “war is a form of diplomacy, usually the last resort of diplomacy”. Yes I am a diplomat, we are diplomats. We talk peace. We love peace. It is because we are the ones who suffer the ultimate sacrifice, even death, just being a diplomat. How we wish der will be a lasting peace. However, not every situation requires gentle approach. Wat will you do to those criminals, terrorist and bombers? Dat’s why we exist. This is an ancient profession. No nation will exist without security. Security, peace and order are no laughing stuff. What should exist first, economic growth or peace and order? Without peace and order how can u attain economic growth? So, wat will u do to attain this so called freedom??? Well, nothing at all. Because we are willing to die… for you to experience everything dat u are now experiencing. Ganun kami ka dedicated sa simpleng trabaho ng peace and order. War builds nation, war builds heros, and war punishes these erring personalities. (ano lng ito ha, personal opinion at insights. Ok? J )

but wat u r doin, really, im very proud of u all, specially kay sueno who conceptualize most of the ideas. Di nga namin naisip noon na magsimula ng group, nalalawak ang group at magiging gnito ka active di b?
ok, cge. Pa cheese burger ako if I happen to drop by sa manila. I think it wud be my modest part as a member of the group.

Sna nga ay maasyn din sa manila so maka augment sa group acivities. Pag dyan na sa fort bonifacio o sa camp aguinaldo ay madaming pwede gimik. Basta, tym will come. Wait lang ako.

God bless to you sueno and god bless to all.
matt

(mula sa sulat ni sueno)
Salamat po Sir Matt for appreciating our efforts. Ingat na lang po kayo djan at sana nga matapos na yan. No good can come out from any form of War. maraming buhay ang nawawasak
Una kong naisipang gumawa ng online site para sa mga alumni na CAT Officers ng Paranaque National High School (dating Municipal High School) noong 2006. Gumawa ako ng Yahoo Group at kinalaunan, Friendster. Uso pa kasi ang Friendster noon. MySpace lang ang kalaban na social network nito dati na hindi din naman uso sa Pilipinas. Sumunod yung blog. Sinabay ko sa sarili kong pagsusulat.

Sa mga pagtitipon-tipon, madalas ako tinatanong bakit ko sinubukang i-organize ang CAT alumni ng Mune. Simple lang naman ang dahilan talaga. Importante kasi sa akin ang manatiling konektado sa alumni officers. Ito kasi ang naging sentro ng buhay hayskul ko. Nandito  ang mga pinakamalalapit kong kaibigan na nahigitan pa ang mga kaklase ko sa DOST na apat na taon ko din namang nakasama. Bukod doon, alam kong magiging kapaki-pakinabang sa ating lahat ang maging konektado sa isa't-isa dahil sa lawak at lalim ng ating mga talento sa iba't-ibang larangan, at affiliations sa iba't-ibang organisasyon.

Ginusto kong magkaroon ng one-stop portal para sa mga CAT Alumni na naghahanap ng trabaho, hayskul pictures, dating kaklase, dating kasintahan, dating kaaway; sa mga gustong mag-promote ng business o ng fans club, at magyabang nang kung ano-ano pa. Ninais ko na balang araw, nasaan man ang isang dating PNHS CAT Officer, mayroong siyang tatawaging "tahanan" sa internet.  Dito, laging kang may ka-buddy. Dito, anong dekada ka man nagtapos sa Mune, siguradong may makakaintindi sa 'yo pag nag-emote ka ng mga di mo makakalimutang karanasan noong hayskul. Dito, sigurado kang pag sinabing mong "pumpings," walang mag-iisip ng porn.

Ngayon, 2011 na. Nag-reformat na ang Friendster. May Facebook account na rin tayo na may humigit sa 200 fans (lang?!). Halos limang taon na ang nakakaraan. Naka-ilang meetings na rin, naka-tatlong out-of-town outing sa loob ng tatlong taon. Naka-ilang birthday na rin si Ma'am Sim na kasama tayo. Naka-ilang reunion na rin ang iba't-ibang batch na nagsipagtapos sa Mune. Eh tayo, saan na?

Nasaan na nga ba tayo? Napag-iwanan na nga ba tayo ng panahon? Magkakatotoo pa ba ang mga pangarap natin na magkasama-sama? Mukhang  sa wakas, ako na pasimuno ng lahat ay na-overtake na rin ng mga pangangailangan ng buhay.

Hindi ko na kayo masyado'ng masubaybayan. Maski sarili kong mga kaibigan mismo, hindi ko na makumusta.  Masaya na ako'ng makapag-post sa Facebook Page natin ng mga  job fairs at job posts at free seminars na natitisod ko sa pagbabasa ko sa internet. Kinakain na rin ng paghahanap ng pera ang oras ko. Paano pa pag may asawa at anak na rin ako'ng makikibahagi na rin sa oras ko? Magagawa ko pa kaya kayong maanyayahan sa kung saan-saan kahit sa sasaglit na kumustahan at pagbabalik-tanaw?

Nito lang summer, may nakasabay akong isa sa inyo sa MRT. Sabi niya sa akin, sabi niya daw sa sarili niya this time talaga sasama na siya sa summer outing. Tatlong taon din kasi siyang naging busy. Nalungkot ako nang sobra. Kahit kasi gusto kong pagbigyan ang ganun, minsan talaga dumarating ang oras na kailangan mo mamili kung ano ba ang uunahin mong paglaanan ng oras.

Nag-text din pala si Ma'am Sim nitong June na nami-miss niya na tayo. Ayun, naiyak ako. At nakakalungkot man, hanggang doon na lang muna ang magagawa ko sa ngayon. Tinatawag na kasi muna ako sa malayo. Hindi ko alam kung ano pa ang mga mangyayari. Babalitaan ko na lang kayo. Pero bago ang lahat, sana magkita-kita ulit muna tayo at magkumustahan kahit sa loob ng iilang oras lang.

Sa August 20, Sabado, kung nasa Metro Manila ka at kaya mong dumaan sa Paranaque, punta ka sa McDonald's sa Kabihasnan. Hindi sa Gatchalian ha. Sa Kabihasnan para maiba naman. May free wifi dun. Mag-wifi muna kayo habang naghihintayan tayo.  Darating ako ng mga alas-8. Kung may dumating na iba, maghihintay kami sa inyo. Kung wala, uuwi na ako ng alas-9 pagkatapos ko uminom ng hot choco. Isang oras lang kasi halos itatagal nang battery ng netbook ko eh. Wala akong pambili nang kausap pag naubos na ang battery ko.

Kung nasa abroad ka or sa probinsiya, kita tayo sa Facebook wall ng fan page. May facebook account ka pero di mo alam yun? Talaga? I-paste mo ito sa address bar ng Internet Explorer / Chrome/ Firefox/ Opera browser mo: http://facebook.com/pnhscatalumni. Paki-bookmark mo na rin para di mo makalimutan. Nga pala, dapat i-click mo yung LIKE doon, otherwise, di ka na namin makaka-chat, pangit ka pa.

Kita-kits.


PS: Please attend the meeting and help us HELP buddy Arthur Beltran of Batch 2002. Abigail Orbita has posted on our FB wall tha his wife died and he needs our help. Pagtulong-tulugan po nating matulungan siya. Maraming salamat! See you there
Ito po ang screenshot. Click the image to be directed sa live fan page:

LIKE us to get access to content and para maka-chika namin kayo. :D Kita-kits sa FB!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...